Para sa mga Batang Mambabasa
Nagpatawad si Jesus


“Nagpatawad si Jesus,” Mga Kuwento sa Bagong Tipan para sa mga Batang Mambabasa, 2018

“Nagpatawad si Jesus”

Mga Kuwento sa Bagong Tipan para sa mga Batang Mambabasa

Nagpatawad si Jesus

Mula sa Mateo 18:21–22; Lucas 7:37–48; 11:1–4; 23:34

nagtuturo si Jesus sa mga tao

Tinuruan ni Jesus ang Kanyang mga disipulo na magpatawad. Sinabi Niya sa kanila na patatawarin ng Ama sa Langit ang kanilang mga kasalanan kung patatawarin nila ang iba.

kinakausap ni Jesus si Pedro

Minsa’y tinanong ni Pedro si Jesus kung ilang beses niya dapat patawarin ang isang taong may ginawang mali. “Hanggang sa makapito?” ang hula ni Pedro.

“Makapitongpung pito,” sabi ni Jesus.

babae na naghuhugas ng mga paa ni Jesus

Pinatawad ni Jesus ang mga taong nagsisi sa kanilang mga kasalanan. Nang patawarin Niya ang isang babae, labis ang pasasalamat ng babae kaya hinugasan niya ang mga paa ni Jesus gamit ang kanyang mga luha.

si Jesus na nakapako sa krus

Pinatawad din ni Jesus ang mga taong hindi nalalaman na mali ang kanilang ginagawa. Hiniling Niya sa Ama sa Langit na patawarin ang mga lalaki na nagpako sa Kanya. Hindi nila alam na sinasaktan nila ang Anak ng Diyos.

nililinis ng bata ang maruming laruan

Pinatawad ni Jesus ang mga tao dahil mahal Niya sila. Maaari kong subukang tularan si Jesus sa pagpapatawad din sa iba!

Panoorin ang New Testament stories sa lds.org/children/scripture-stories.

Pahinang Kukulayan

Maaari Akong Maging Mapitagan

mga bata na mapitagang nakaupo

I-click ang larawan para mai-download.

Paglalarawan ni Apryl Stott