Para sa mga Batang Mambabasa
Ang Unang Sacrament


“Ang Unang Sacrament,” Kaibigan, Hunyo 2023, 46–47.

Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan

Ang Unang Sacrament

nakaupo si Jesus sa hapag-kainan kasama ang Kanyang mga Apostol

Mga larawang-guhit ni Apryl Stott

Bago Siya namatay, nakipagkita si Jesucristo sa Kanyang mga Apostol. Ibinigay Niya sa kanila ang sacrament.

si Jesus na may hawak na tinapay

Pinagputul-putol ni Jesus ang tinapay at ibinahagi ito sa kanila. Hiniling Niya sa kanila na kainin ito para tulungan silang maalala na ibinigay Niya ang Kanyang buhay para sa kanila.

si Jesus na may hawak na saro

Pagkatapos ay binigyan sila ni Jesus ng isang saro. Hiniling niya sa kanila na uminom mula rito. Tutulungan din sila nitong alalahanin Siya.

Mga naunang Kristiyano na tumatanggap ng sacrament

Kahit hindi kasama ni Jesus ang Kanyang mga Apostol, tinulungan sila ng sacrament na isipin Siya. Nadarama nila ang Kanyang pagmamahal at inaalalang sundin ang mga kautusan.