“Sabi ni Santiago ay ‘[Magtanong] sa Diyos,’” Kaibigan, Nob. 2023, 46–47.
Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Sabi ni Santiago ay “[Magtanong] sa Diyos”
Si Santiago ay isang Apostol. Tinuruan niya ang mga tao tungkol kay Jesucristo. Sumulat siya sa mga taong naniwala kay Jesus.
Sa kanyang sulat, tinuruan ni Santiago ang mga tao na manalangin. Sinabihan niya silang manampalataya. Sinabi niya na maaari silang magtanong sa Diyos para malaman kung ano ang totoo.
Makalipas ang daan-daang taon, nabasa ni Joseph Smith ang sulat ni Santiago sa Biblia.
Tinanong niya ang Diyos kung saang simbahan siya sasapi.
Sinagot ang panalangin ni Joseph! Nagpakita ang Ama sa Langit at si Jesucristo kay Joseph. Tinulungan Nila siyang ibalik ang Simbahan ni Jesucristo sa lupa.