Para sa mga Batang Mambabasa
Pinapayapa ni Jesucristo ang Unos


“Pinapayapa ni Jesucristo ang Unos,” Kaibigan, Mar. 2023, 46–47.

Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan

Pinapayapa ni Jesucristo ang Unos

Larawan
Natutulog si Jesucristo sa isang bangka habang nakatingin sa dagat ang Kanyang mga disipulo

Mga larawang-guhit ni Apryl Stott

Isang gabi, tinawid ni Jesucristo at ng Kanyang mga disipulo ang dagat sakay ng isang bangka. Pagod si Jesus at nakatulog.

Larawan
Pinatagilid ng isang unos ang bangkang sinasakyan ni Jesus at ng Kanyang mga disipulo

Dumating ang isang unos. Lumaki nang lumaki ang mga alon! Natakot ang mga disipulo. Ginising nila si Jesus at hiniling na iligtas Niya sila.

Larawan
Pinapayapa ni Jesus ang unos

Tumayo si Jesus at sinabing, “Pumayapa ka, tumahimik ka.” Tumigil ang hangin. Pumayapa ang tubig!

Larawan
Batang lalaking nakahalukipkip at nakapikit

Ang pananampalataya ko kay Jesucristo ay maaaring maghatid sa akin ng kapayapaan. Kapag natatakot ako, matutulungan ako ni Jesus na mapanatag.

Print