Para sa mga Batang Mambabasa
Pinagaling ni Jesus ang mga Tao


“Pinagaling ni Jesus ang mga Tao,” Mga Kuwento sa Bagong Tipan para sa mga Batang Mambabasa, 2018

“Pinagaling ni Jesus ang mga Tao”

Mga Kuwento sa Bagong Tipan para sa mga Batang Mambabasa

Pinagaling ni Jesus ang mga Tao

Mula sa Marcos 5:22–43

si Jesus na nakikipag-usap kay Jairo

Isang araw inanyayahan ng isang lalaking nagngangalang Jairo si Jesus sa bahay niya. Maysakit ang anak niya at kailangan ng basbas.

babae na nakahawak sa kasuotan ni Jesus

Nang papunta na si Jesus sa bahay ni Jairo, nakita si Jesus ng isang babaeng 12 taon nang maysakit. Naniniwala siya na mapapagaling siya ni Jesus. Inabot at hinipo niya ang laylayan ng damit ni Jesus.

si Jesus na nakikipag-usap sa babae

Gumaling ang babae! Sinabi ni Jesus na gumaling siya dahil sa kanyang pananampalataya.

Pagkatapos ay dumating ang isang tao na may dalang masamang balita. Patay na ang anak na babae ni Jairo. Huli na ba ang lahat para mabasbasan siya ni Jesus?

pinagagaling ni Jesus ang anak na babae ni Jairo

Sinabi ni Jesus kay Jairo na huwag matakot kundi manampalataya. Pagdating ni Jesus sa bahay ni Jairo, sinabi Niya sa anak ni Jairo na bumangon. Idinilat nito ang kanyang mga mata. Nabuhay siyang muli! Namangha ang kanyang mga magulang.

ama na binabasbasan ang kanyang anak na babae

Maaari din tayong sumampalataya kay Jesus. Narito pa rin sa mundo ang kapangyarihan Niyang magpagaling, at maaari tayong humingi ng basbas ng priesthood kapag kailangan natin ito.

Panoorin ang New Testament stories sa lds.org/children/scripture-stories.

Pahinang Kukulayan

Mahal Ko ang Aking Pamilya

mag-ina na magkasamang nakakumot

I-click ang larawan para mai-download.

Paglalarawan ni Apryl Stott