“Mahal Ako ni Jesus,” Mga Kuwento sa Bagong Tipan para sa mga Batang Mambabasa, 2018
“Mahal Ako ni Jesus”
Mga Kuwento sa Bagong Tipan para sa mga Batang Mambabasa
Mahal Ako ni Jesus
Bago nilikha ang lupa, lahat tayo ay nanirahan sa langit kapiling ang ating mga Magulang sa Langit at ang ating nakatatandang Kapatid na si Jesus. Masaya tayo roon, at mahal na mahal natin ang isa’t isa.
Isang araw sinabi sa atin ng Ama sa Langit na gagawa Siya ng mundo na titirhan natin. Alam Niya na kung minsan ay hindi natin susundin ang Kanyang mga utos habang tayo ay nasa mundo. Kakailanganin natin ang isang Tagapagligtas para tulungan tayong bumalik sa Kanya. Pinili ng Ama sa Langit si Jesus na maging Tagapagligtas natin.
Nang pumarito sa mundo si Jesus, ipinakita Niya sa atin ang tamang pamumuhay. Tinulungan Niya ang mga tao. Itinuro Niya na magmahalan sila.
Si Jesus ay nagdusa sa Halamanan ng Getsemani at sa krus. Ginawa Niya ito upang makapagsisi tayo at muli tayong mabuhay matapos tayong mamatay.
Kapag nalalaman ko ang tungkol kay Jesus, nadarama ko ang pagmamahal Niya para sa akin.
Panoorin ang New Testament stories sa lds.org/children/scripture-stories.
Pahinang Kukulayan
Ako ay Anak ng mga Magulang sa Langit
I-click ang larawan para mai-download.
Paglalarawan ni Apryl Stott