“Gusto Kong Tularan si Jesus,” Mga Kuwento sa Bagong Tipan para sa mga Batang Mambabasa, 2018
“Gusto Kong Tularan si Jesus”
Mga Kuwento sa Bagong Tipan para sa mga Batang Mambabasa
Gusto Kong Tularan si Jesus
Mula sa Lucas 5:1–11
Isang araw sumakay sa bangka si Jesus. Sinabi Niya sa mga mangingisda na itulak ito papunta sa tubig. Tumayo Siya sa bangka at tinuruan ang maraming tao sa dalampasigan.
Pagkatapos ay sinabi ni Jesus sa isang mangingisda na nagngangalang Pedro na ihulog ang kanyang mga lambat sa tubig. Sinabi ni Pedro na wala siyang mahuling anumang isda sa buong maghapon, pero susubukan niyang muli. Sa pagkakataong ito, nakahuli si Pedro ng maraming isda at napuno ang dalawang bangka!
Sinabi ni Jesus sa mga mangingisda na iwan ang kanilang mga bangka at sumunod sa Kanya. Gusto Niya na maging disipulo Niya sila.
Nakinig ang mga disipulo ni Jesus habang nagtuturo Siya tungkol sa Ama sa Langit. Nakita nila si Jesus na pinapagaling ang maysakit at nagpapakita ng pagmamahal sa iba. Pagkamatay ni Jesus, ginawa ng mga disipulo ang nakita nilang ginawa ni Jesus. Sila ay nagturo, nagpagaling, at nagmahal.
Maituturo ko sa iba ang tungkol kay Jesus sa pamamagitan ng sinasabi at ginagawa ko. Mapapawi ko ang sama ng loob ng mga tao sa pamamagitan ng kabaitan. Makakatulong ako sa pag-aalaga ng mga maysakit o mahihirap. Magpapakita ako ng pagmamahal na tulad ni Jesus.
Panoorin ang New Testament stories sa lds.org/children/scripture-stories.