Para sa mga Batang Mambabasa
Itinuro ni Jesus ang tungkol sa Pagmamahal ng Ama sa Langit


“Itinuro ni Jesus ang tungkol sa Pagmamahal ng Ama sa Langit,” Mga Kuwento sa Bagong Tipan para sa mga Batang Mambabasa, 2018

“Itinuro ni Jesus ang tungkol sa Pagmamahal ng Ama sa Langit”

Mga Kuwento sa Bagong Tipan para sa mga Batang Mambabasa

Itinuro ni Jesus ang tungkol sa Pagmamahal ng Ama sa Langit

Mula sa Lucas 15

Larawan
nagtuturo si Jesus sa mga tao

Isang araw, nagtipon ang mga tao para pakinggan ang itinuturo ni Jesus. Nagbahagi Siya ng tatlong kuwento.

Larawan
pastol na may pasan na tupa

Sa unang kuwento, iniwan ng pastol ang kanyang kawan para hanapin ang isang nawawalang tupa. Nang matagpuan niya ito, ipinasan niya ito sa kanyang balikat at iniuwi. Napakasaya niya.

Larawan
babae na may hawak na barya

Sa sumunod na kuwento, isang babae ang nawalan ng isa sa kanyang mga baryang pilak. Siya ay nagsindi ng kandila, nagwalis, at hinanap ang kanyang barya. Nang matagpuan niya ito, nagdiwang siya kasama ang kanyang mga kaibigan.

Larawan
mag-ama

Sa huling kuwento, umalis ng bahay ang isang anak na lalaki. Pinili niyang gumawa ng masama at sinayang ang lahat ng kanyang pera. Nagdesisyon siyang umuwi at humingi ng tawad sa kanyang ama. Nang makita ng ama ang paparating na anak, tumakbo siya para yakapin ito.

Ibinahagi ni Jesus ang mga kuwentong ito upang ipakita kung gaano kamahal ng Ama sa Langit ang bawat tao. Siya ay masaya kapag nagsisisi tayo.

Larawan
mag-ama

Kapag may ginawa akong mali, puwede akong humingi ng tawad at magdasal sa Ama sa Langit. Masaya ang Ama sa Langit kapag ako ay nagsisi, at ako ay masaya rin!

Panoorin ang New Testament stories sa lds.org/children/scripture-stories.

Pahinang Kukulayan

Maaari Akong Manalangin sa Ama sa Langit

Larawan
batang nagdarasal

I-click ang larawan para mai-download.

Paglalarawan ni Apryl Stott

Print