“Si Jesus ay Mabait,” Mga Kuwento sa Bagong Tipan para sa mga Batang Mambabasa, 2018
“Si Jesus ay Mabait”
Mga Kuwento sa Bagong Tipan para sa mga Batang Mambabasa
Si Jesus ay Mabait
Mula sa Lucas 18:15–17
Isang araw nagtuturo si Jesus sa mga tao. Lumapit sa Kanya ang ilang pamilya kasama ang kanilang mga sanggol at maliliit na anak. Gusto nilang basbasan ni Jesus ang kanilang mga anak.
Ayaw ng mga disipulo na abalahin ng mga bata si Jesus. Sinubukan nilang paalisin ang mga ito.
Sinabi ni Jesus sa Kanyang mga disipulo na hayaang lumapit sa Kanya ang mga bata. Sinabi Niya na kailangang manampalataya ang matatanda na tulad ng maliliit na bata para makarating sa langit.
Pagkatapos ay kinarga ni Jesus ang mga bata at binasbasan sila.
Mahal ni Jesus ang mga bata. Gusto Niya akong maging mabait sa mga tao sa lahat ng lugar.
Panoorin ang New Testament stories sa lds.org/children/scripture-stories.
Pahinang Kukulayan
Maaari Akong Maging Mabait
I-click ang larawan para mai-download.
Paglalarawan ni Apryl Stott