“Si Jesus ay Isinilang sa Betlehem,” Mga Kuwento sa Bagong Tipan para sa mga Batang Mambabasa, 2018
“Si Jesus ay Isinilang sa Betlehem”
Mga Kuwento sa Bagong Tipan para sa mga Batang Mambabasa
Si Jesus ay Isinilang sa Betlehem
Mula sa Lucas 1:26–38; 2:1–20
Pumunta ang isang anghel kay Maria at sinabi sa kanya na natutuwa ang Diyos sa kanya. Siya ang magiging ina ni Jesus!
Naglakbay sina Maria at Jose patungong Betlehem. Halos isisilang na noon si Jesus. Maraming taong pumupunta noon sa Betlehem kaya walang makitang silid na matutuluyan sina Maria at Jose. Pinatuloy sila ng isang tagapangasiwa ng bahay-tuluyan sa isang kuwadra.
Di-nagtagal ay isinilang si Jesus. Isang maningning na bagong bituin ang lumitaw para sabihin sa lahat na isinilang na sa lupa ang Ilaw ng Sanlibutan.
Sinabi ng anghel sa ilang pastol na isinilang na si Jesus. Nagmadali silang makita ang sanggol na si Jesus na nakahiga sa isang sabsaban.
Pumarito si Jesus sa mundo dahil mahal Niya ako. Susundan ko ang Kanyang liwanag ngayong Pasko at sa buong taon!
Panoorin ang New Testament stories sa lds.org/children/scripture-stories.
Pahinang Kukulayan
Pahinang Kukulayan
I-click ang larawan para mai-download.
“At [ang mga pastol ay] dalidaling nagsiparoon at nasumpungan kapuwa si Maria at si Jose, at ang sanggol na nakahiga sa pasabsaban” (Lucas 2:16).
Paglalarawan ni Apryl Stott