Para sa mga Batang Mambabasa
Si Jesus ay Nabinyagan


Mga Kuwento sa Bagong Tipan para sa mga Batang Mambabasa

Si Jesus ay Nabinyagan

Mga Kuwento sa Bagong Tipan para sa mga Batang Mambabasa

Si Jesus ay Nabinyagan

Mateo 3:13–17

child’s baptism

Nakakita na ba kayo ng isang taong binibinyagan? Kapag tayo ay bininyagan, sinusunod natin ang halimbawa ni Jesus.

Jesus talking to John

Hiniling ni Jesus sa kanyang pinsan na si Juan na binyagan Siya. Si Juan ay may awtoridad ng priesthood para magbinyag ng mga tao.

John talking to Jesus

Itinanong ni Juan kay Jesus kung bakit gusto Niyang mabinyagan. Sinabi ni Jesus na gusto Niyang sundin ang mga kautusan ng Ama sa Langit.

John baptizing Jesus

Bininyagan ni Juan si Jesus. Nadama nila ang Espiritu Santo. Narinig nila ang tinig ng Ama sa Langit na nagsabi, “Ito ang sinisinta kong Anak, na siya kong lubos na kinalulugdan.”

child helping woman carry groceries

Darating ang araw na makapipili rin akong mabinyagan, tulad ni Jesus. Makapaghahanda ako sa binyag sa pamamagitan ng pagsisikap na maging tulad ni Jesus araw-araw.

Pahinang Kukulayan

Pinili ni Jesus na Mabinyagan

John baptizing Jesus

Mga paglalarawan ni Apryl Stott