Para sa mga Batang Mambabasa
Ipinakita ni Jesus sa Atin ang Daan


“Ipinakita ni Jesus sa Atin ang Daan,” Kaibigan, Agosto 2023, 4–5.

Ipinakita ni Jesus sa Atin ang Daan

Larawan
Alt text

Mga larawang-guhit ni Dan Burr

Si Jesucristo ang Anak ng Ama sa Langit. Pumarito Siya sa lupa para ipakita sa atin kung paano tayo makakabalik sa Ama sa Langit balang-araw. Si Jesus ay bininyagan. Itinuro Niya na dapat din tayong mabinyagan.

Larawan
alt text

Ipinakita ni Jesus sa atin kung paano mamuhay. Minahal at tinulungan Niya ang lahat. Nais Niyang tularan natin Siya.

Larawan
alt text

Nadama ni Jesus ang lahat ng ating pasakit at nagdusa para sa ating mga kasalanan. Pagkatapos ay namatay Siya para sa atin. Ito ang tinatawag naPagbabayad-sala ni Jesucristo. Siya ay nabuhay na muli. Ang ibig sabihin niyan ay buhay Siya ngayon! Dahil kay Jesucristo, mabubuhay din tayong muli pagkatapos nating mamatay.

Larawan
alt text

Ginawa ni Jesus ang lahat ng ito para sa atin dahil mahal Niya tayo. Dahil sa Kanya, maaari tayong mabuhay sa langit kasama ang ating pamilya balang-araw.

Larawan
alt text

Maaari nating tularan si Jesus sa pamamagitan ng pagpapabinyag. Maaari din natin Siyang tularan araw-araw kapag minamahal at tinutulungan natin ang iba at sinusunod ang Kanyang mga utos.

Print