“Pinakain ni Jesus ang Maraming Tao,” Mga Kuwento sa Bagong Tipan para sa mga Batang Mambabasa, 2018
“Pinakain ni Jesus ang Maraming Tao”
Mga Kuwento sa Bagong Tipan para sa mga Batang Mambabasa
Pinakain ni Jesus ang Maraming Tao
Mula sa Mateo 14:13–21
Isang araw gustong mapag-isa ni Jesus. Sumakay Siya sa isang bangka at naglayag papunta sa isang tahimik na lugar. Hindi nagtagal maraming tao ang sumunod sa Kanya roon.
Tinuruan ni Jesus ang mga tao at pinagaling ang mga maysakit. Sa pagtatapos ng araw, lahat ay nagsimulang makaramdam ng gutom. Nais ng mga disipulo ni Jesus na paalisin Niya ang mga tao para bumili ng pagkain sa lungsod.
Sinabi ni Jesus sa Kanyang mga disipulo na pakainin ang mga tao para hindi na sila umalis. Isang batang lalaki ang may dalang limang tinapay at dalawang isda. Pero hindi iyon sapat para mapakain ang lahat.
Binasbasan ni Jesus ang pagkain at pinagpira-piraso ito. Pagkatapos ay ipinasa ito ng mga disipulo sa mga tao. Sasapat kaya ang pagkain?
Kinain ng libu-libong bata, babae, at lalaki ang tinapay at isda. Pagkatapos nilang kumain, 12 basket pa ng pagkain ang natira! Isa itong himala. Nangyayari pa rin ang mga himala sa mundo ngayon.
Panoorin ang New Testament stories sa lds.org/children/scripture-stories.