“Dinalaw ni Jesus si Joseph Smith,” Mga Kuwento sa Bagong Tipan para sa mga Batang Mambabasa, 2018
“Dinalaw ni Jesus si Joseph Smith”
Mga Kuwento sa Bagong Tipan para sa mga Batang Mambabasa
Dinalaw ni Jesus si Joseph Smith
Mula sa Joseph Smith—Kasaysayan 1:1–20
Maraming taon makalipas ang pagkabuhay na muli ni Jesus, isang batang nagngangalang Joseph Smith ang nagkaroon ng katanungan. Hindi niya alam kung aling simbahan ang dapat niyang puntahan.
Binasa ni Joseph ang Biblia. Nakasaad doon na sasagutin ng Ama sa Langit ang ating mga tanong kung magdarasal tayo sa Kanya. Nagpunta si Joseph sa kakahuyan at nagdasal sa Ama sa Langit.
Ang Ama sa Langit at si Jesus ay bumaba mula sa langit. Sinabi ni Jesus kay Joseph na huwag sumapi sa alinmang simbahan dahil hindi nila itinuturo ang lahat ng bagay na bahagi ng Kanyang Simbahan.
Nang lumaki na si Joseph, tumulong siya para maibalik ang Simbahan ni Jesus sa lupa. Ito ay tinatawag na Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw. Tinutulungan nito ang mga tao na malaman ang tungkol kay Jesus at sa Ama sa Langit.
Mas natututo pa ako tungkol sa Ama sa Langit sa pagbabasa ng mga banal na kasulatan. Kapag nagdarasal ako, sasagutin Niya rin ang mga dasal ko.
Panoorin ang New Testament stories sa lds.org/children/scripture-stories.
Pahinang Kukulayan
Ang Sabbath ay Isang Banal na Araw
I-click ang larawan para mai-download.
Paglalarawan ni Apryl Stott