Para sa mga Batang Mambabasa
Bininyagan si Jesus


“Bininyagan si Jesus,” Mga Kuwento sa Bagong Tipan para sa mga Batang Mambabasa, 2018

“Bininyagan si Jesus”

Mga Kuwento sa Bagong Tipan para sa mga Batang Mambabasa

Bininyagan si Jesus

Mula sa Mateo 3:13–17; Marcos 1:9–11; Lucas 3:21–22; Juan 1:29–34

nagtuturo si Juan Bautista sa mga tao

Si Juan Bautista ay isang dakilang propeta. Itinuro Niya sa mga tao na magsisi at bininyagan sila.

binibinyagan ni Juan Bautista ang mga tao

Isang araw nagbinyag si Juan sa Ilog ng Jordan. Dumating si Jesus at hiniling kay Juan na binyagan Siya. Alam ni Juan na walang anumang kasalanan si Jesus. Kung gayo’y bakit gustong magpabinyag ni Jesus?

Jesus

Sinabi ni Jesus na kailangan Niyang sundin ang lahat ng kautusan. Ang pagpapabinyag ay isang kautusan.

binibinyagan ni Juan Bautista si Jesus

Matapos binyagan ni Juan si Jesus, dumating ang isang kalapati para ipakita na naroon ang Espiritu Santo. Narinig ang tinig ng Ama sa Langit mula sa langit, na nagsasabing, “Ito ang sinisinta kong Anak, na siya kong lubos na kinalulugdan” (Mateo 3:17).

mag-ama na nakadamit pambinyag

Maaari nating sundin ang mga kautusan at piliing magpabinyag, tulad ni Jesus. Pagkatapos ay maaari tayong makumpirma at magkaroon din ng kaloob na Espiritu Santo.

Panoorin ang New Testament stories sa lds.org/children/scripture-stories.

Pahinang Kukulayan

Nagpapasalamat Ako para sa Aking Katawan

mga batang naglalaro

I-click ang larawan para mai-download.

Paglalarawan ni Apryl Stott