Mga Kard ng Kasaysayan ng Simbahan
Gupitin ang mga kard, itupi sa tulduk-tuldok na linya, at pagdikitin ang mga ito.
Jane Manning James
1822–1908
“Nagsimula kaming … magsaya, umaawit ng mga himno, at nagpapasalamat sa Diyos.”
James Goldberg, “The Autobiography of Jane Manning James,” Church History, Dis. 11, 2013, history.ChurchofJesusChrist.org.
-
Sumapi siya sa Simbahan sa Connecticut, USA.
-
Naglakad ang kanyang pamilya nang mahigit 800 milya (1287 km) para makasama ang mga Banal sa Nauvoo. Nang magdugo ang kanilang mga paa, sila ay nanalangin para gumaling, at sinagot ng Diyos ang kanilang mga panalangin.
-
Sinabi ni Joseph Smith na malaki ang pananampalataya ni Jane.
-
Kahit naharap siya sa maraming hamon, naging tapat siya sa ebanghelyo sa buong buhay niya.
Parley P. Pratt
1807–1857
“Ang Espiritu ng Panginoon ay nakatuon sa akin, at alam kong … ang Aklat [ni Mormon] ay totoo.”
Autobiography of Parley P. Pratt, 1938, 37.
-
Nang una niyang mabasa ang Aklat ni Mormon, hindi niya magawang tumigil. Binasa niya ito buong araw at buong magdamag.
-
Nagmisyon siya sa Canada, England, Chile, at sa mga isla sa Timog Pasipiko.
-
Sumulat siya ng mga himno na inaawit pa rin natin ngayon, gaya ng “Jesus, Hamak nang Isilang” (Mga Himno, blg. 118).
-
Isa siya sa mga unang Apostol na tinawag sa ipinanumbalik na Simbahan.