2021
Oras ng Aktibidad!
Abril 2021


Masasayang Bagay

Oras ng Aktibidad!

Larawan
bowling with plastic bottles

Garapon ng Linggo

Gupitin ang mga piraso at ilagay ang mga ito sa isang lata o garapon. Kapag naghahanap ka ng bagay na mabuting gawin sa araw ng Linggo, pumili ng piraso at gawin ang aktibidad! Idagdag ang ilan sa sarili mong mga ideya.

  • Tawagan ang isang kapamilyang nakatira sa malayo.

  • Maglakad-lakad.

  • Ikuwento o pakinggan ang mga kuwento ng pamilya.

  • Magdrowing o magsulat sa iyong journal.

  • Isadula ang isang kuwento ng banal na kasulatan.

  • Gumawa ng isang kard na maaaring ibigay sa isang tao.

  • Basahin ang Kaibigan!

Bowling ng Bote

Narito ang ideya para sa isang masayang laro! Ayusin ang ilang lata o boteng plastik na walang laman. Pagkatapos ay magpagulong ng bola papunta sa mga ito. Ilan ang kaya mong patumbahin?

Paglalarawan ni Thomas S. Child

Print