Mga Bagay na Dapat Tandaan
Maingat na tanggalin ang pahinang ito mula sa magasin at isabit ito kung saan mo ito makikita araw-araw!
Magagawa mo ang mga pambihirang bagay.
“Lahat ng mga bagay ay aking magagawa sa pamamagitan [ni Cristo] na nagpapalakas sa akin” (Filipos 4:13).
Mahalaga kayo.
“Tandaan na ang kahalagahan ng mga kaluluwa ay dakila sa paningin ng Diyos” (Doktrina at mga Tipan 18:10).
Kayo ay minamahal.
“[Walang] makapaghihiwalay sa atin sa pag-ibig ng Diyos, na na kay Cristo Jesus na Panginoon natin” (Mga Taga Roma 8:39).
Ikaw ay minamahal na anak ng mga magulang sa langit.
“Kayong lahat ay mga anak ng Kataas-taasan” (Mga Awit 82:6).
Maaari mong tulungan ang iba.
“Sa pamamagitan ng pag-ibig ay maging alipin kayo ng isa’t isa” (Mga Taga Galacia 5:13).
Maaari kang lumaking katulad ni Jesus.
“Masdan, ako ang ilaw; ipinakita ko ang isang halimbawa sa inyo” (3 Nephi 18:16).