2021
Kilalanin si Shiloh mula sa Pilipinas
Abril 2021


Mga Matulunging Kamay sa Iba’t Ibang Panig ng Mundo

Kilalanin si Shilohmula sa Pilipinas

Kilalanin ang mga batang Primary na tumutulong sa iba, tulad ng ginawa ni Jesus.

Shiloh and his dad

Lahat ng tungkol kay Shiloh

Illustration of Shiloh from the Philippines - Palm Trees - Philippino Food - Jesus blessing nephite children - Rice Bowl - French Fries - Fish -Eggs - Commandment Tablets - Blue Canyon - Math Symbols

Edad: 7

Mula sa: Pilipinas

Mga Wika: Filipino, Ingles

Pamilya: Inay, Itay, at tatlong mas nakatatandang kapatid

Mga mithiin at pangarap: 1) Laging maglingkod sa iba.2) Maging mananayaw.3) Maging matagumpay na chef.

Ang mga Matulunging Kamay ni Shiloh

Gustong-gusto ni Shiloh na tulungan ang mga tao saanman siya magpunta. Mabait siya sa kanyang mga kaklase sa paaralan. Hindi mahalaga kung gaano sila naiiba. Alam niyang lahat ay anak ng Diyos! Si Shiloh ay may kundisyong tinatawag na Down syndrome, at ang kanyang pinakamatalik na kaibigan, si Kharl, ay hindi makapaglakad. Laging tinutulungan ni Shiloh si Kharl sa wheelchair nito.

Laging handa si Shiloh na makipaglaro sa lahat, kahit sa mga batang hindi pa niya kilala. Hilig niyang magkaroon ng mga bagong kaibigan. Isang beses noong bumisita ang kanyang pamilya sa Manila Philippines Temple, napansin niya ang isang batang babae na nasa waiting room na walang makalaro. Lumapit siya at nagsimulang makipaglaro dito. Ipinagamit pa niya ang kanyang tablet dito.

Mga Paborito ni Shiloh

pictures of Shiloh’s favorites

Lugar: Ang palaruan

Kuwento tungkol kay Jesus: Nang binasbasan Niya ang maliliit na bata

Awitin sa Primary: “Mga Kautusan sa Tuwina ay Sundin,” (Mga Himno, 191)

Pagkain: French fries, isda, itlog, at kanin

Kulay: Asul

Klase sa paaralan: Matematika

picture of Shiloh with his friends

Narito si Shiloh kasama ang ilan sa kanyang mga kaibigan.

Friend Magazine, Global 2021/04 Apr

Mga paglalarawan ni Hollie Hibbert