Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Ibinahagi ng mga Missionary ang Ebanghelyo
Matapos malimbag ang Aklat ni Mormon, tumawag ang Diyos ng mga missionary para humayo at magturo tungkol dito sa mas maraming tao.
Dala ni Samuel, kapatid ni Joseph Smith, ang isang bag na puno ng mga kopya ng Aklat ni Mormon. Nagtipon ang mga tao upang marinig siyang magturo.
Tinuruan ng iba pang mga missionary ang mga tao sa Europa. Nagturo ang ilan sa mga taong nakatira sa mga pulo o isla.
Kalaunan, ang unang opisyal na mga sister missionary ay tinawag na maglingkod sa England.
Maaari din akong maging missionary. Maaari kong ibahagi ang Aklat ni Mormon sa iba.