2021
Isinama ni Jesus ang Iba
Abril 2021


Pagtulong Tulad ni Jesus

Isinama ni Jesus ang Iba

Larawan
Jesus with children

Isang araw ay may isang grupo ng mga bata na dumalaw kay Jesucristo. Sinabihan silang umalis ng Kanyang mga tagasunod. Ngunit sinabi ni Jesus: “Hayaan ninyong lumapit sa akin ang maliliit na bata” (Marcos 10:14). Ayaw Niyang maisantabi sila. Nais Niyang makasama sila dahil mahal Niya sila.

Niyakap ng Tagapagligtas ang mga bata. Binasbasan Niya sila. Tinulungan Niya silang madama na mahalaga sila.

Larawan
A portrait of Kanyin

Nalulungkot ako noong recess, kaya tinanong ko sa isang tao kung gusto niyang makipaglaro sa akin. Nagsimula kaming maglaro ng tisa, at mas maraming tao ang lumapit, at napakasaya nito! Kung nalulungkot ka, maaari mong tanungin ang isang tao kung gusto nilang makipaglaro sa iyo!

Kanyin P., edad 8, Colorado, USA

Print