Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin
Masayang Oras sa Pag-aaral ng mga Banal na Kasulatan
Ang mga ideyang ito ay naaayon sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—para sa mga Indibiduwal at Pamilya bawat linggo.
Ipagdiwang si Jesucristo
Para sa Pasko ng Pagkabuhay
-
Awitin ang “Si Jesus ay Nagbangon,” (Aklat ng mga Awit Pambata, 44).
-
Ibahagi ang iyong mga paboritong talata sa banal na kasulatan o kuwento tungkol kay Jesus. Pagkatapos ay maghanap sa mga lumang magasin ng Simbahan at gumupit ng mga larawan Niya. Pagdikitin o iteyp ang mga larawan sa isang papel o poster para gumawa ng isang collage.
-
Marami ka pang mahahanap na mga kuwento sa Pasko ng Pagkabuhay sa Marso 2021 na edisyon ng Kaibigan.
Sulat ng Missionary
Para sa Doktrina at mga Tipan 30–36
-
Awitin ang “Nais Ko nang Maging Misyonero” (Aklat ng mga Awit Pambata, 90).
-
Matapos maipanumbalik ang Simbahan ni Jesucristo, tumawag ng Diyos ng mga missionary para humayo at magturo sa mas maraming tao tungkol dito. Maaari mong basahin ang tungkol sa ilan sa mga unang missionary sa pahina 42.
-
Sumulat ng mga liham o magdrowing ng mga larawan na ipadadala sa mga missionary! Maaari mong ibigay ang mga ito sa mga missionary na naglilingkod sa inyong lugar o ipadala ang mga ito sa isang missionary na naglilingkod sa ibang lugar. Pag-usapan ang mga paraan para maibahagi mo rin ang ebanghelyo.
Pagtutulungan
Para sa Doktrina at mga Tipan 37–40
-
Awitin ang “Lakas Mo ay Idagdag,” (Mga Himno, blg.154).
-
Itinuro sa atin ni Jesus na “maging isa” (Doktrina at mga Tipan 38:27). Ibig sabihin niyon ay ang pakikipagtulungan sa mga tao sa ating paligid para matupad ang mithiing iyon.
-
Pumili ng kapartner at tumayo sa tabi ng isa’t isa, na magkadikit ang mga balikat. Gumamit ng isang maliit na balabal o lubid upang marahang itali ang iyong bukung-bukong sa bukung-bukong ng iyong kapartner. Magtulungang magsanay ng sabay na paglalakad. Gaano kabilis kayong makakapunta nang ligtas mula sa isang lugar papunta sa isa pa?
Lihim na Hamon sa Serbisyo
Para sa Doktrina at mga Tipan 41–44
-
Awitin ang “Mahalin Bawat Tao, Sabi ni Cristo” (Aklat ng mga Awit Pambata, 39).
-
Itinuro ni Jesus na dapat tayong “mamuhay nang magkakasama sa pag-ibig” (Doktrina at mga Tipan 42:45).
-
Isulat ang mga pangalan ng bawat tao sa iyong pamilya sa mga piraso ng papel. Pagkatapos ay papiliin ng pangalan ang bawat isa. Tiyaking hindi mo ito sariling pangalan, at huwag hayaang makita ng sinuman ang napili mo! Sa buong linggo, sikapin pa na maglingkod at magpakita ng pagmamahal sa taong iyon.