Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin
Masayang Oras sa Pag-aaral ng mga Banal na Kasulatan para sa Maliliit na Bata
Ang mga ideyang ito ay naaayon sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—para sa mga Indibiduwal at Pamilya bawat linggo.
Para sa Pasko ng Pagkabuhay: Tulungan ang inyong mga musmos na sabihing, “buhay si Jesucristo!” Pagkatapos ay kantahin ang isang awitin tungkol sa Kanya.
Para sa Doktrina at mga Tipan 30–36: Tulungan ang inyong mga musmos na magsabi ng, “Ang mga missionary ay nagtuturo tungkol kay Jesus.” Basahin ang tungkol sa ilan sa mga unang missionary sa pahina 42 at tulungan silang kulayan ang pahina 45.
Para sa Doktrina at mga Tipan 37–40: Maglaro ng isang laro o aktibidad na may kasamang pagsasalitan, tulad ng pagsasalansan ng mga block para gumawa ng isang tore. Sa tuwing pagkakataon na ng inyong anak, tulungan silang sabihing, “Maaari tayong magtulungan.”
Para sa Doktrina at mga Tipan 41–44: Ipakita sa inyong mga musmos kung paano gumawa ng isang puso gamit ang kanilang kamay habang sinasabi na, “Mahal ko ang aking pamilya.” Tingnan ang mga aklat o retrato ng mga larawan at tulungan ang inyong anak na bigkasin ang pangalan ng mga kapamilya.