2021
Tumugtog Ako ng Isang Himno
Abril 2021


Isinulat Mo

Tumugtog Ako ng Isang Himno!

boy playing piano

Noong una kong marinig ang kuya Allan ko na tumugtog ng piyano sa sacrament meeting, gusto ko ring gawin iyon. Naging isa sa mga mithiin ko sa programang Mga Bata at Kabataan [Children and Youth] ang tumugtog ng isang himno sa sacrament meeting.

Mula noon, pinag-aaralan ko nang tumugtog ng piyano kasama ang tito Ken ko. Bawat araw ay sinisikap kong magsanay nang hindi bababa sa 30 minuto. Pagkaraan ng 10 buwan, nagawa kong tugtugin ang himnong “Unang Panalangin ni Joseph Smith” (Mga Himno, blg. 20).

Pagkatapos ay dumating ang COVID-19. Kinansela ng mga lider ng Simbahan ang mga miting tuwing Linggo. Sabi nila dapat kaming magsimba sa bahay. Tig-isa kaming binigyan nina Inay at Itay ng gagawin. Hiniling nila sa aking tugtugin ang pambungad na awitin, at tinugtog ko ang “Unang Panalangin ni Joseph Smith.” Natupad ko ang mithiin kong tugtugin ang isang himno sa sacrament meeting! Nararamdaman ko ang Espiritu sa aming tahanan.

Mga paglalarawan ni Shane Clester