Minamahal na mga Kaibigan,
Tumingin sa paligid ninyo. Ang mga mata, buhok, at balat ng tao ay magkakaiba ang kulay. Ang kanilang mga utak at katawan ay magkakaiba ng gamit, at ang mga ito ay magkakaiba ang laki at hugis. At, tulad ng itinuturo ni Pangulong Nelson, “Tayong lahat ay magkakapatid, bawat isa ay anak ng isang mapagmahal na Ama sa Langit.” Basahin ang mensahe ng propeta sa pahina 2. Pagkatapos ay alamin kung paano nagiging magkakaiba at espesyal ang mga bata sa isyung ito!
Nagmamahal,
Ang Kaibigan
P.S. Isulat at sabihin sa amin kung paano mo iginagalang at isinasama ang iba!
Kung Saan Namin Binabasa ang Kaibigan
Gustong-gusto naming basahin ang magasin bago matulog. Nagbibigay-inspirasyon ang mga tunay na kuwento at masaya ang mga laro! Gustong-gusto naming basahin ang tungkol sa ibang mga bata at nais naming makita nila na binabasa namin ang Friend sa wikang Dutch.
Yali at Mayra N., edad 8 at 10, Bonaire, Dutch Caribbean
Templo’y Ibig Makita
Bumisita si Milana B., edad 5, sa Seoul Korea Temple!
Ang Aking Lumalagong Pananampalataya
Masaya naming ginagawa ang aming mga aklat tungkol sa pananampalataya (Hulyo 2020)!
Alexander at Emilio C., edad 2 at 4, Puebla, Mexico