2021
Lundagin ang Patpat!
Abril 2021


Masasayang Bagay

Lundagin ang Patpat!

Larawan
kids playing outside

Narito ang isang magandang laro na gustong laruin ng mga bata sa South Africa. Ang tanging kailangan mo ay isang patpat at dalawa o higit pang mga manlalaro.

  1. Isang manlalaro ang pipili ng lugar kung saan magsisimula at ilalagay ang patpat sa lupa nang malayo mula sa lugar na iyon.

  2. Lulundag ang manlalaro sa ibabaw ng patpat at pagkatapos ay ilalagay ito sa lugar kung saan umabot ang pagtalon niya.

  3. Ang susunod na manlalaro ngayon ay kailangang tumalon mula sa parehong sinimulang lugar at susubukang makatalon sa lugar na lampas sa patpat. Pagkatapos ay ililipat nila sa bagong tinalunan ang patpat.

  4. Sinuman ang hindi makakatalon nang lampas sa patpat ay tanggal na. Magpatuloy hanggang sa may manalo!

Ano ang paborito mong laro sa labas?

Larawan
girl in wheelchair playing basketball

Padalhan kami ng paglalarawan ng iyong laro (pumunta sa likod na pabalat para makita kung paano). Ilalathala namin ang ilan sa iyong mga paboritong laro upang masubukan din ng iba pang mga bata sa buong mundo!

Larawan
Friend Magazine, Global 2021/04 Apr

Mga paglalarawan ni Jeff Ebbeler

Print