Mga Kard ng Kasaysayan ng Simbahan
Gupitin ang mga kard, itupi sa tulduk-tuldok na linya, at pagdikitin ang mga ito.
Aurelia Spencer Rogers
“Nais [kong] itimo sa aming mga anak ang pagmamahal … sa lahat ng magagandang bagay.”
-
Sumapi ang kanyang pamilya sa Simbahan noong siya ay anim na taong gulang.
-
Tinawid niya ang kapatagan kasama ang kanyang maliliit na kapatid at mag-isa niyang inalagaan sila.
-
Sa pahintulot ng propeta, sinimulan niya ang pinakaunang Primary.
-
Siya ay sumuporta na mabigyan ng karapatang bumoto ang kababaihan.
Samuel Chambers
“Tinawag tayo na kumilos sa kaharian ng Diyos; dapat tayong tumugon sa bawat tungkulin.”
-
Siya ay nabinyagan sa edad na 13. Gusto niyang maglakbay para makasama ang mga Banal, pero hindi niya nagawa dahil siya ay alipin.
-
Ang pang-aalipin ay natapos sa wakas sa Estados Unidos pagkalipas ng 21 taon. Pumunta siya sa Utah kasama ang kanyang pamilya.
-
Tumulong siya sa paglilinis ng chapel linggu-linggo.
-
Siya ay madalas magbahagi ng kanyang patotoo at tapat sa buong buhay niya.