2021
Ano ang Iniisip Mo
Agosto 2021


Ano ang Iniisip Mo?

Isa nang deacon ang kapatid ko at maaari nang magpasa ng sakramento. Napaisip ako: bilang batang babae, ano ang kinalaman ng priesthood sa akin?

—Isang Nagtataka na mula sa Wales

Friend Magazine, Global 2021/08 Aug

Mahal naming Nagtataka,

Ang priesthood ay ang kapangyarihan ng Diyos na pagpalain at tulungan ang lahat ng Kanyang anak sa mundo. Kabilang ka riyan! Matutulungan ng kalalakihan ang iba sa pamamagitan ng paglilingkod sa mga katungkulan sa priesthood tulad ng deacon o bishop. At ang kababaihan ay binibigyan ng awtoridad ng priesthood na maglingkod sa mga calling o tungkulin na tulad ng class president sa Young Women o Primary teacher.

Ang kababaihan at kalalakihan ay parehong mahalaga sa plano ng Diyos. Kahit sino ka man, mayroon kang malaking gawain na gagawin!

Ang Kaibigan

Narito ang ilang paraan na makapaglilingkod ka sa Simbahan. Ano pa ang mga naiisip mo?

  • Maging miyembro ng Young Women class presidency

  • Maging saksi sa binyag

  • Tumulong sa bautismuhan sa templo

  • Maglingkod sa full-time mission

  • Maging miyembro ng Young Women o Relief Society presidency

  • Maglingkod bilang temple worker

Ang mga batang babaeng ito ay naglilingkod sa kanilang Young Women class presidency. Nakikita mo ba ang walong pagkakaiba-iba sa mga larawan?

Mga paglalarawan ni Dani Jones