Mga Matulunging Kamay sa Iba’t Ibang Panig ng Mundo
Kilalanin si Porter mula sa Poland
Mula sa interbyu ni Amie Jane Leavitt.
Kilalanin ang mga batang Primary na tumutulong sa iba, tulad ng ginawa ni Jesus.
Lahat ng tungkol kay Porter
Edad: 10
Mula sa: USA at nakatira sa Poland
Mga Wika: Ingles at nag-aaral ng wikang French
Pamilya: Tatay, Nanay, mga kapatid na lalaki na sina Ethan, Mason, at Connor, at isang aso na ang pangalan ay Ginger
Mga mithiin at pangarap: Maging isang beterinaryo at alagaan ang mga hayop.
Ang mga Matulunging Kamay ni Porter
Laging humahanap si Porter ng maliliit na bagay na magagawa niya para tulungan ang iba. Sa bahay, tinutulungan niya ang kanyang mga magulang na maghanda ng pagkain para sa pamilya. Sa paaralan, tinitiyak niyang lahat ay kasama sa mga laro, lalo na ang mga batang madalas na hindi pinapasali. Tumutulong siya sa pangangalaga ng kagamitan sa palaruan, kahit hindi niya nilalaro ito. Gumagawa rin siya ng mga bagay na nakatutulong sa mga hayop. Bahagi siya ng isang club sa paaralan na gumagawa ng mga laruan para sa mga aso at mga tirahan ng mga hayop.
Tumulong din si Porter sa pamamagitan ng pakikibahagi sa BillionGraves project. Nagpunta sila ng kanyang pamilya sa isang sementeryo para kumuha ng mga retrato ng lapida. Tumulong ang kanyang kapatid na si Connor sa pagkuha ng mga retrato. Pagkatapos ay in-upload nila ang mga larawan sa website ng proyekto. Ang mga retratong ito ay makatutulong sa mga tao sa iba’t ibang panig ng mundo na naghahanap ng impormasyon tungkol sa kanilang mga ninunong Polish.
Mga Paborito ni Porter
Lugar: Virginia, USA, at Hersheypark sa Pennsylvania, USA
Kuwento tungkol kay Jesus: Nang payapain Niya ang dagat
Awitin sa Primary: “Getsemani” (Marso 2018 Kaibigan o Liahona)
Pagkain: Mandoo (Korean dumplings)
Kulay: Lila
Mga Subject sa Paaralan: Pagbasa at Matematika