2021
Para sa mga Mas Nakatatandang Bata
Agosto 2021


Para sa mga Mas Nakatatandang Bata

Friend Magazine, Global 2021/08 Aug

Mungkahi para sa Mga Bata at Kabataan

Makipag-usap sa magulang o lider ng Primary tungkol sa iyong mga mithiin. Maaari silang magbahagi ng mga ideya at makatulong na palakasin ang loob mo! Maaari rin ninyong pagtulungan ang isang mithiin.

Pananahi na Kasama si Inay

Jayci Heale holds up a a homemade quilt that she sewed together.

Gusto kong matutong manahi ng kumot para sa mga nakababata kong kapatid na lalaki na ipapanganak na. Kaya nagtakda ako ng mithiin. Ipinakita sa akin ng nanay ko kung paano gamitin ang sewing machine, at ngayon ay nagagamit ko na ito nang mag-isa! Excited na ako na makita ng mga kapatid ko ang kumot. At natutuwa ako na natuto akong manahi!

Jayci H., edad 9, Utah, USA

Lihim na Paglilingkod

  • Sorpresahin ang nanay o tatay ng kabutihang gagawin mo para sa kanya.

  • Sumulat ng liham sa isang missionary o isang taong nasa military.

  • Patawarin ang iyong kaibigan o kapatid na nakagawa ng bagay na nagpasama ng loob mo.

Paglalarawan ni Juliann Law