Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin
Masayang Oras sa Pag-aaral ng mga Banal na Kasulatan para sa Maliliit na Bata
Ang mga ideyang ito ay naaayon sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—para sa mga Indibiduwal at Pamilya bawat linggo.
Para sa Doktrina at mga Tipan 85–87: Kumanta ng isang himno o awitin sa Primary nang napakahina. Praktisin na magpokus sa pakikinig at pag-unawa sa awitin. Tulungan ang inyong mga musmos sa pagsasabi ng, “maaari akong makinig sa Espiritu Santo.”
Para sa Doktrina at mga Tipan 88: Tulungan ang inyong mga musmos sa pagsasabi ng “nais ng Ama sa Langit na matuto ako.” Pag-usapan ang mabubuting bagay na natututuhan natin sa simbahan at sa paaralan. Pagdrowingin ang inyong mga musmos ng isang bagay na natutuhan nila.
Para sa Doktrina at mga Tipan 89–92: Pagdrowingin ang mga kapamilya ng mga larawan ng mga paraan ng pag-aalaga ng kanilang katawan (tulad ng pagkain ng mga masustansiyang pagkain o paglalaro sa labas). Tulungan ang inyong mga musmos sa pagsasabi ng, “Kaya kong pangalagaan ang aking katawan.”
Para sa Doktrina at mga Tipan 93: Maghalinhinan sa pag-akay ng mga kapamilya sa inyong bahay o sa labas. Kung madilim, ipagamit sa lider ang flashlight o iba pang pinagmumulan ng liwanag. Pag-usapan kung paano tayo pinagpapala kapag sinusunod natin ang Tagapagligtas. Tulungan ang inyong mga musmos sa pagsasabing, “Kaya kong sundin si Jesucristo!”
Mga paglalarawan ni Alessia Girasole