2021
Ipakita at Ikuwento
Agosto 2021


Ipakita at Ikuwento

Primary children holding temple pictures

Ang Primary na ito sa Bavaria, Germany, ay gustung-gustong matuto tungkol sa mga templo sa iba’t ibang panig ng mundo!

A girl named Faith holding up her drawing of the temple

Gusto kong basahin ang mga kuwento sa Aklat ni Mormon at turuan ang nakababata kong kapatid tungkol sa mga ito. Mahal ko ang pamilya ko.

Faith M., edad 8, Dar Es Salaam, Tanzania

A photo of Ethan Le Saux

Gusto kong malaman ng aking mga ninuno ang tungkol sa ebanghelyo. Kapag ipinagdarasal ko ito, napapanatag ako na mas marami silang matututuhan sa daigdig ng mga espiritu.

Ethan L., edad 9, Brittany, France

A photo of Kenan Elekdag

Naantala ang binyag ko dahil sa pandemyang COVID-19. Nag-alala ako dahil hindi miyembro ng Simbahan natin ang tatay ko at hindi niya ako mabibinyagan. Sinagot ng Ama sa Langit ang mga dasal ko, at nabinyagan ako sa isang lawa. Ang pamilya ko lang ang maaaring dumalo, pero napakalakas ng Espiritu. Nadama ko na espesyal ako at minamahal.

Kenan E., edad 8, Washington, D.C., USA

A photo of a young girl named Gwen

Kasama kong tumatakbo ang mga kaibigan ko sa gym class namin sa paaralan. Sinimulan nilang sabihin ang pangalan ng Panginoon sa walang kabuluhan, at sinabihan ko sila na huwag gawin iyon. Pumayag sila. Natuwa ako na napanindigan ko ang alam kong tama.

Gwen B., edad 10, Montana, USA

A young boy named Carter with a soccer ball

Nagising ako mula sa pagkakaidlip na may masamang naiisip. Bigla kong naisip na sabihin ito kay Inay. Para hindi ko na raw maisip ang mga iyon, sinabi niyang tingnan ko ang mabubuting bagay at sabihin ang mga ito nang malakas. Alam ko na sa tulong ng Ama sa Langit, lahat ng bagay ay posible!

Carter R., edad 9, Washington, USA

Mae Bragg - Piano Prayer

Nagkaroon ng malaking sunog malapit sa amin. Nagbigay kami ng mga aytem sa mga taong nawalan ng tirahan. Itinanong ng nanay ko kung dapat naming ipamigay ang aming keyboard. Ayaw kong ipamigay iyon, pero nagdasal ako para tulungan akong magdesisyon. Pagkatapos kong magdasal, naisip ko ang isang taong nawalan ng piano at hinahanap-hanap iyon. Nagdesisyon akong ipamigay ang aming keyboard. Masaya ako dahil nakapagbahagi ako.

Mae B.,edad 10, California, USA

drawing of temple

Alice D., edad 9, Goiás, Brazil

drawing of Jesus being baptized

Morena S., edad 7, Jujuy, Argentina

drawing of Captain Moroni

Corbin Z., edad 13, Utah, USA

girl showing temple she built

Jane B., edad 10, Nebraska, USA

drawing of Jesus

Nephi P., edad 11, Arizona, USA