2021
Masayang Oras sa Pag-aaral ng mga Banal na Kasulatan
Agosto 2021


Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin

Masayang Oras sa Pag-aaral ng mga Banal na Kasulatan

Ang mga ideyang ito ay naaayon sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—para sa mga Indibiduwal at Pamilya bawat linggo.

Halimbawa na mga Kandila

boy wearing a candle necklace

Para sa Doktrina at mga Tipan 85–87

  • Kantahin ang “Tila Ba Ako’y Isang Tala” (Aklat ng mga Awit Pambata, 84).

  • Sinabi ni Jesus na dapat tayong maging “ilaw” sa iba (Doktrina at mga Tipan 86:11). Ibig sabihin dapat tayong maging mabubuting halimbawa sa lahat.

  • Magdrowing ng kandila sa isang papel at kulayan ang apoy sa itaas. Gupitin at ikabit ito sa iyong kamiseta o kabitan ito ng tali at isabit sa iyong leeg, na parang kuwintas. Kasama ang iyong pamilya, pag-usapan kung ano ang magagawa ninyo para maging mabuting halimbawa.

Pagbuo ng Maligayang Tahanan

child stacking up blocks

Para sa Doktrina at mga Tipan 88

  • Kantahin ang “Tahana’y Isang Langit,” (Mga Himno, blg. 186).

  • Nais ng Ama sa Langit na tayo ay “magtayo ng … isang bahay ng Diyos ”(Doktrina at mga Tipan 88:119). Nais Niyang gawin nating mga banal na lugar ang ating mga tahanan tulad ng templo, kung saan madarama natin ang Espiritu Santo.

  • Basahin “Ang Mahalagang Panauhin” sa pahina 4. Pagkatapos ay magtayo ng isang bahay na gawa sa maliliit na bloke ng kahoy, patpat, o iba pang aytem na mahahanap mo. Tuwing magdaragdag ka ng aytem sa bahay, magsabi ng isang bagay na magagawa mo para maging isang lugar na malugod na tinatanggap ng Espiritu Santo ang bahay mo.

Pangangalaga sa AKing Sarili!

girl stretching

Para sa Doktrina at mga Tipan 89–92

  • Kantahin ang “Ang Diyos sa Akin ay Nagbigay ng Templo,” (Aklat ng mga Awit Pambata, 73).

  • Ipaliwanag na nais ng ating Ama sa Langit na pangalagaan natin ang ating mga katawan. Ibinigay Niya sa atin ang Word of Wisdom para tulungan tayong maging malusog at maligaya (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 89:18–20).

  • Basahin ang kuwento sa banal na kasulatan sa pahina 42 upang malaman kung paano napasaatin ang Word of Wisdom. Pagkatapos ay magkakasamang gawin ang aktibidad sa pahina 24.

Mga Bato na Magpapaalala

child holding a rock

Para sa Doktrina at mga Tipan 93

  • Kantahin ang “Ako ay Anak ng Diyos” (Aklat ng mga Awit Pambata, 2–3).

  • Nabuhay tayo sa piling ng Ama sa Langit bago tayo pumarito sa lupa (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 93:23). Lahat tayo ay Kanyang mga anak.

  • Maghanap ng ilang makinis na bato at sulatan ang mga ito ng “Ikaw ay anak ng Diyos” ng pintura o marker. Pagkatapos ay ibigay ang bawat bato sa isang kaibigan, kapamilya, o sa isang tao na sa palagay mo ay maaaring gumamit ng bagay na tagapagpaalala.

Friend Magazine, Global 2021/08 Aug

Mga paglalarawan ni Katy Dockrill