2021
Ang Kapangyarihan ng Basbas ng Priesthood
Agosto 2021


Mula sa Unang Panguluhan

Ang Kapangyarihan ng Basbas ng Priesthood

Hango sa “Neither Trust in the Arm of Flesh” (Brigham Young University commencement speech, Abr. 23, 2009), speeches.byu.edu.

a man giving a sick man a blessing

Maraming taon na ang nakararaan, dumalo ako sa isang miting kasama ang iba pang mga doktor sa isang munting bayan sa Mexico. Isang gabi, biglang nagkasakit nang malubha ang isa sa mga doktor.

Maraming doktor ang naroon. Ngunit wala kaming kagamitan na kailangan namin para tulungan ang lalaking maysakit. Mahigit 100 milya (160 km) ang layo ng pinakamalapit na ospital. Gabi na noon, at walang makakalipad na mga eroplano. Naisip namin na baka mamatay siya. Ano ang maaari naming gawin?

Bumulong ang maysakit na doktor at humingi ng basbas ng priesthood. Inilagay ko ang aking mga kamay sa kanyang ulunan. Nadama ko na sinasabi sa akin ng Espiritu Santo na gagaling ang maysakit na doktor. Mabubuhay siya at ligtas na makakauwi sa kanyang tahanan. Ibinigay ko sa kanya ang basbas na ito sa pangalan ng Panginoon.

Kinaumagahan, bumuti ang pakiramdam ng doktor. Makalipas ang ilang araw, nakauwi na siya. Nagpasalamat kami sa Panginoon sa pambihirang pagpapalang ito.

Simple lang ang aral na natutuhan namin: “Tumiwala ka sa Panginoon ng buong puso mo, at huwag kang manalig sa iyong sariling kaunawaan” (Mga Kawikaan 3:5). Naranasan namin ito mismo. Alam naming ito ay totoo.

Totoo rin na ang Diyos ang namamahala. Hindi lahat ng basbas ay nasasagot sa paraang gusto natin. Kailangan lang nating pag-ibayuhin ang ating pananampalataya sa Kanya.

Pinagpapala Ako ng Priesthood

cut-out cards of children getting baptized and taking the sacrament

Pinagpapala ng kapangyarihan ng priesthood ng Ama sa Langit ang ating buhay sa maraming paraan. Ang mga kard sa ibaba ay nagpapakita ng ilan sa mga pagpapalang matatamo natin dahil sa priesthood. Gupitin at itaob ang mga ito. Pagkatapos ay magsalitan sa pagpili ng isa at sabihin kung paano ito nakatulong sa iyo o makatutulong sa iyo balang-araw!

  • Maaari akong magpabinyag.

  • Maaaring mapasaakin ang kaloob na Espiritu Santo.

  • Subukang Muli!

  • Makatatanggap ako ng sakramento.

  • Mabibigyan ako ng basbas para panatagin ako o tulungan akong gumaling.

  • Susunod na Maglalaro

  • Makakakuha ako ng temple recommend.

  • Makakakuha ako ng patriarchal blessing.

  • Subukang Muli!

  • Maaari akong magpabinyag sa templo.

  • Makagagawa ako ng mga sagradong tipan sa templo.

  • Susunod na Maglalaro

  • Maaari akong tawagin sa misyon at makapaglingkod sa mga tungkulin sa Simbahan.

Friend Magazine, Global 2021/08 Aug

Mga paglalarawan ni Guy Francis