Bumisita si Taye sa Templo
Tuwang-tuwa si Taye na bumisita sa templo kasama ang kanyang pamilya.
Nakikita niya ang makikinang na bato sa pader.
Naaamoy niya ang magagandang bulaklak.
Naririnig niya ang tahimik na ihip ng hangin sa mga puno ng palma.
Ang estatwa ni anghel Moroni ay nagliliwanag sa araw.
Maganda ang pakiramdam ni Taye kapag nasa loob siya ng templo!
Kulayan ang Templo
Kulayan ang Aba Nigeria Temple. Anong templo ang pinakamalapit sa inyo?