2022
Si Carolina ay Tumulong
Enero 2022


Si Carolina ay Tumulong

Paano matutulungan ni Carolina ang kanyang kaibigan?

girl playing hopscotch with boy who is bald

Sinubukan ni Carolina na makinig sa kanyang guro. Pero hindi niya mapigilang tumingin sa kanyang kaibigan na si Ramón. Wala na itong buhok!

Matagal nang nalalagas ang buhok niya. Ngayon ay kalbo na siya.

Si Carolina ay nakarinig ng tunog sa likuran niya. Humahagikgik sina Cesar at Luis. Naisip niya na sana ay hindi nila pinagtatawanan si Ramón.

Nakahukot ang mga balikat ni Ramón buong umaga. Hindi siya nagtaas ng kamay. Mukha siyang malungkot. Naisip ni Carolina na sana ay mapagaan niya ang pakiramdam nito.

Sa wakas ay oras na para maglaro sa labas. Si Ramón ang unang lumabas mula sa silid-aralan. Paglabas ni Carolina, hindi niya ito makita kahit saan! Hindi ito naglalaro ng soccer. Hindi ito umaakyat sa mga baras. At hindi ito naglalaro ng piko malapit sa guro.

Hayun siya! Nakatayo si Ramón sa sulok ng bakuran. At naroon din sina Cesar at Luis. Naglakad palapit si Carolina.

“Tingnan mo kung gaano kalaki ang ulo niya!” sigaw ni Cesar.

Tumawa si Luis. “Aahitin ko rin ang ulo ko kung ganyan kapangit ang buhok ko.”

Nakasara nang mahigpit ang mga kamay ni Ramón. Mukhang paiyak na siya.

Tumakbo si Carolina papunta kay Ramón. “Gusto mo bang makipaglaro sa akin?” tanong niya. Iniabot niya ang kanyang kamay, at magkasama silang naglakad palayo. Patuloy silang naglakad hanggang sa makalapit sila sa guro. Walang manggugulo sa kanila roon.

“Gusto mo bang maglaro ng piko?” tanong ni Carolina.

Tumango si Ramón. Gumuhit si Ramón ng mga linya sa lupa gamit ang tisa.

“Ayos ka lang ba?” tanong ni Carolina.

“Ayos na ako ngayon.” Ngumiti si Ramón. “Salamat sa pagtulong sa akin.”

Ngumiti si Carolina. Masaya siyang may sapat siyang lakas ng loob para tulungan ang kanyang kaibigan!

Page from the January 2022 Friend Magazine.

Mga paglalarawan ni Hollie Hibbert