2022
Kilalanin si Ami mula sa Japan
Enero 2022


Mga Matulunging Kamay sa Iba’t Ibang Panig ng Mundo

Kilalanin si Ami mula sa Japan

Kilalanin ang mga batang Primary na tumutulong sa iba, tulad ng ginawa ni Jesus.

photo of girl in Japan

Lahat ng tungkol kay Ami

Ami painting

Wika: Japanese

Edad: 10

Mga Mithiin at Pangarap: 1) Maging anime (animation) artist. 2) Magpraktis ng baseball. 3) Magbasa ng isang kabanata ng Aklat ni Mormon araw-araw.

Pamilya: Inay, Itay, tatlong kapatid na lalaki, at isang kapatid na babae

Ang mga Matulunging Kamay ni Ami

photo of Ami helping load food boxes

Si Ami ay nakatira sa Okinawa, Japan. Dahil sa COVID-19, maraming tao roon ang nahirapan sa pagkuha ng pagkain. Kaya nagplanong mamigay ng pagkain ang ward ni Ami. Gusto niya talagang tumulong!

Nagtipon silang lahat sa gusali ng Simbahan. Maingat sila habang nagtatrabaho. Nagsuot ng mask si Ami.

Si Ami ang tagaayos ng mga karton. Kapag puno na ng pagkain ang mga kahon, isinasara niya ang mga ito para malagyan ng teyp. Patuloy na inisip ni Ami kung paano pinakain ni Jesus ang maraming tao gamit lang ang ilang tinapay at isda. Masaya siyang nakatulong siya sa pamimigay ng pagkain sa mga taong nagugutom tulad ng ginawa Niya.

Mga Paborito ni Ami

pictures of baseball park and other favorites

Lugar: Palaruan ng baseball

Kuwento tungkol kay Jesus: Noong Siya ay isinilang

Awit sa Primary: “Ako ay Anak ng Diyos,” (Aklat ng mga Awit Pambata, 2–3)

Pagkain: Steak

Kulay: Luntiang tulad ng esmeralda

Mga KLASE sa paaralan: Araling panlipunan at PE

Page from the January 2022 Friend Magazine.

Mga paglalarawan ni Hannah Li