Masasayang Bagay
Koneksyon ng Kabaitan
Laruin ang game na ito kasama ang isang kaibigan. Gumamit ng dalawang magkaibang kulay at magsalitan sa pagguhit ng mga pahalang o patayong linya sa pagitan ng dalawang tuldok. Kapag nakaguhit ka ng isang linya na bumubuo ng isang parisukat, isulat ang unang letra ng iyong pangalan para mapanalunan nito. Magpatuloy hanggang sa makonekta ang lahat ng tuldok!
Ngayon, bilangin ang lahat ng nagawa mong parisukat at gawin ang gayon din karaming bagay nang may kabaitan!