Matt at Mandy
Anong mga mithiin ang plano mong itakda ngayong taon?
Gusto kong gumawa ng sarili kong spaceship at lumipad papuntang Mars! Gusto mo bang sumama sa akin?
Sa palagay ko, mananatili na lang ako sa planetang ito.
Sa totoo lang, gusto kong magplano ng ilang paraan para makapaglingkod sa mga tao ngayong taon.
Ako rin! Sigurado akong makapaglilingkod tayo sa maraming tao kung magtutulungan tayo.
Iyan din ang iniisip ko. Pero hindi ko alam kung saan magsisimula.
Ano kaya kung maglingkod tayo sa bagong pamilyang iyon sa ating ward?
Oo, sige! Gusto ko talaga sina Jada at Tyler, pero ilang beses ko pa lang silang nakikita sa Primary.
Sa palagay ko, kadalasan ay nagtatrabaho ang kanilang mga magulang kapag Sabado at Linggo.
Uy, maaari natin silang anyayahang sumama sa atin sa Primary, at sa mga aktibidad, at …
At kailangang maghintay ng Mars.