2022
Ano ang Iniisip Mo?
Enero 2022


Ano ang Iniisip Mo?

Gusto kong magtakda ng bagong mithiin para sa Mga Bata at Kabataan. Pero hindi ko alam kung saan magsisimula! Mayroon ka bang anumang ideya?

—Lumalago sa Guatemala

Page from the January 2022 Friend Magazine.

Mahal kong Lumalago,

Ayos ‘yan! Ang pagtatakda ng mithiin ay makatutulong sa iyo na matuto at maging higit na katulad ni Jesus. At tutulungan ka ng Ama sa Langit!

Maaari kang magsimula sa pamamagitan ng panalangin. Pagkatapos ay isulat ang anumang naiisip mo. Kapag nakapili ka na ng isang mithiin, hilingin sa isang magulang o lider na tulungan kang gumawa ng plano. Magagamit mo rin ang iyong Gabay na Aklat ng mga Bata para sa tulong!

Ang Kaibigan

Bilugan ang mga aktibidad na gusto mong subukan. Isulat ang sarili mong mga ideya sa mga patlang. Pagkatapos ay maglagay ng isang bituin sa tabi ng mithiing gusto mong gawin sa susunod!

Espirituwal

  • Gumawa ng isang dula o puppet show na nagpapakita ng paborito mong kuwento mula sa banal na kasulatan.

  • Kabisaduhin ang isa sa mga paborito mong banal na kasulatan.

  • _______________________________________________

Intelektuwal

  • Matutong magsabi ng ilang salita sa isang bagong wika.

  • Magbasa ng isang bagong aklat.

  • _______________________________________________

Pakikipagkapwa

  • Mag-ukol ng oras sa paglilingkod at pagkilala sa mas matatanda.

  • Magpunta sa isang kultural na pagdiriwang. Alamin ang tungkol sa mga tradisyon mula sa ibang bansa.

  • _______________________________________________

Pisikal

  • Matutong lumangoy, magbisikleta, o maglaro ng isang bagong isport.

  • Magpalago ng isang halaman o hardin.

  • _______________________________________________

Mga paglalarawan ni Nicole Walkenhorst