2022
Mga Journal ni Papa
Enero 2022


Mga Journal ni Papa

Ang kuwentong ito ay naganap sa Tahiti.

boy sitting on bench, reading

Umupo si Allan sa isang bangko sa labas ng kanyang bahay. Palubog na ang araw. Makikita ang mga puno ng palma sa ilalim ng kulay-rosas at kulay-kahel na kalangitan.

Inilipat niya ang pahina ng aklat na binabasa niya. Wala itong anumang larawan. Pero ayos lang kay Allan. Gustung-gusto niyang binabasa ang aklat na ito!

Tiningnan niya ang magandang sulat ni Papa. Naalala niya ang bahaging ito! Palagi siyang pinapatawa nito.

Biglang lumabas si Papa. “Anong nakakatawa?”

“Binabasa ko po ang isa sa inyong mga aklat.” Ngumiti si Allan. “Gusto ko po ang bahagi tungkol sa buko.”

“Ah, ang tinutukoy mo ay ang aking mga journal.” Umupo si Papa sa tabi ni Allan. “Ikinukuwento nito ang aking buhay. Pero hindi lang ito tungkol sa akin. Narito ka rin. At gayon din si Mama, at ang iyong mga kapatid.”

“Tulad po ni Nephi!” sabi ni Allan. “Nagsulat po siya ng mga kuwento tungkol sa kanyang buhay, at nagsulat din po siya tungkol sa kanyang pamilya.”

“Tama!” sabi ni Papa.

“Ang pinakagusto ko po ay ang mga bahagi tungkol sa inyo,” sabi ni Allan. “Tulad noong missionary po kayo rito sa Tahiti.”

“Ang pinakagusto ko ay ang mga bahagi tungkol sa iyo,” sabi ni Papa. “Alam mo ba na pinangalanan ka namin batay sa pangalan ni Elder Bednar?”

“Hindi pa po ninyo iyon nasabi sa akin dati! Hindi na po ako makapaghintay na mabasa ang bahaging iyon.”

Napangiti si Papa. “Maraming kuwento sa aking mga journal. Mula noong walong taong gulang ako, nagsusulat na ako sa mga journal.”

boy reading journal with his dad

“Mula po noong walong taong gulang kayo?” tanong ni Allan. “Talagang napakahabang panahon na po niyon.”

Tumawa si Papa. “Hindi ako ganoon katanda.”

Napaisip sandali si Allan. “Malapit na po akong maging walong taong gulang,” sabi niya. “Maaari po ba ninyo akong bigyan ng journal para sa aking kaarawan?”

“Oo naman!” sabi ni Papa.

“Kung gayon, maisusulat ko po ang aking mga kuwento para balang araw ay mabasa ito ng aking mga anak.”

“Parang magandang tradisyon ng pamilya iyan!” sabi ni Papa.

Page from the January 2022 Friend Magazine.

Mga paglalarawan ni Alessia Girasole