Magkakasamang Sumusunod kay Jesus
Sama-samang ginawa ng isang klase ng Primary sa Denbighshire, Wales ang larawang ito ng Unang Pangitain!
Binabasa ko ang aking mga banal na kasulatan araw-araw para matuto ng mga bagong bagay. Nasasabik akong magmisyon!
Rashad E., edad 10, West Virginia, USA
Nakadama ako ng pagkabalisa. Binigyan ako ng aking ina ng ilang ideya para mabawasan ito, pero hindi ito nawala. Nanalangin ako para humingi ng tulong, at nagsimulang mawala ang pagkabalisa ko!
Felix G., edad 10, California, USA
Pinalamutian ko ang isang kahon at pinuno ito ng mga bote ng tubig at hand warmer para sa mga taong nagdedeliver na pumupunta sa aming apartment. Sinisikap kong maglingkod na tulad ni Jesus!
Ellie Rose M., edad 6, New York, USA
Pinag-aralan namin ang tungkol sa Saskatchewan sa paaralan. Naibahagi ko sa aking mga kaklase at guro na naglilingkod doon ang kapatid kong babae bilang missionary!
Jacob S., edad 7, Alberta, Canada
Gumawa kami ng mga bangka! Ang isa ay tulad ng bangkang sinakyan ng aming mga ninuno nang mandayuhan sila sa Estados Unidos mula sa Sweden anim na henerasyon na ang nakararaan.
Aksel at Declan M., edad 6 at 9, North Carolina, USA
Nakarinig ako ng ilang masasamang salita, na nagtulot sa akin na maging hindi komportable. Nang makauwi ako, nanalangin ako na tulungan akong malimutan ang mga salitang iyon. Sinagot ng Ama sa Langit ang panalangin ko.
Emree H., edad 10, Oregon, USA
Ang isa sa aking mga kaklase ay natatakot pumasok sa paaralan. Maaga akong pumapasok araw-araw para hintayin siya nang sa gayon ay hindi siya mag-isa. Ang pagtulong sa iba ay nagpapasaya sa akin dahil sinusunod ko si Jesus.
Fang Z., edad 6, Hsinchu, Taiwan
Emmy S., edad 8, Michigan, USA
Madeline H., edad 9, Ulaanbaatar, Mongolia
“Ang Aking Pamilya,” Janus C., edad 7, New South Wales, Australia