Hello mula sa Japan!
Samahan sina Margo at Paolo habang naglalakbay sila sa iba’t ibang panig ng mundo para malaman ang tungkol sa mga anak ng Diyos.
Ang Japan ay isang bansang binubuo ng mga isla sa Silangang Asya. May mahigit 126 milyong tao rito.
Ang sarap!
Ang isa sa pinakasikat na pagkain ng mga Hapon ay sushi. Ito ay gawa sa kanin, seaweed, isda, at iba pang mga sangkap.
Sino ang kasama mo sa bahay?
Maraming batang Hapon ang naninirahan kasama ng kanilang mga magulang at lolo’t lola.
Araw ng mga Bata
Ang Mayo 5 ay isang espesyal na araw na tinatawag na Araw ng mga Bata. Nagbibitin ang mga tao ng koinobori (mga hugis-isdang bandila) para bigyan ng pagkilala ang mga bata at hilingin na magkaroon sila ng magandang kinabukasan.
Paano mo iginagalang ang iyong mga ninuno?
Nililinis ng batang ito ang puntod ng kanyang kapamilya para magpakita ng paggalang.
3 templo sa Japan
Ang Japan ay may 130,000 na miyembro ng Simbahan. Binisita ng batang ito ang Sapporo Temple.