Mga Sagot mula sa Isang Apostol
Paano Ako Magiging Pioneer?
Hango sa “Ang Katotohanan ng Diyos ay Magpapatuloy,” Liahona, Nob. 2008, 81–84.
Lahat tayo ay maaaring maging pioneer.
Para maging pioneer, kailangan nating manampalataya, magtrabaho, maglingkod, at madaig ang ating mga paghihirap tulad ng ginawa ng mga naunang pioneer.
Kinailangang lisanin ng mga pioneer ang kanilang mga tahanan at maglakad nang maraming milya.
Iba ang mga hamon sa atin ngayon. Pero maaari tayong maging mga pioneer kapag tayo ay nanampalataya kay Jesucristo, tumulong sa iba, pumunta sa templo, at sumunod sa Tagapagligtas.