2022
Pagtulong na Tulad ni Jesus
Enero 2022


Kaibigan sa Kaibigan

Pagtulong na Tulad ni Jesus

girl pushing young boy in stroller

Noong nasa Primary ako, ang kapatid kong lalaki ay maliit pa, at ang kapatid kong babae ay sanggol pa. Abala ang aking ina sa pag-aalaga sa kanila maghapon, kaya pag-uwi ko mula sa paaralan, tinutulungan ko siya. Inilalagay ko ang kapatid kong lalaki sa stroller at paulit-ulit kaming naglalakad paikot sa kalye namin. Pinag-uusapan namin ang magandang mundo at tinitingnan namin ang mga ibon, insekto, at alagang hayop ng aming mga kapit-bahay. Maliit na bagay iyon, pero nakagawa ito ng malaking kaibhan! Tinulungan nito ang aking ina na maging masaya at makapagpahinga. Tinulungan nito ang aking buong pamilya. Ito ay isang paraan ng pagtulong na tulad ng gusto ni Jesus na gawin natin.

Paano Ka Makatutulong?

Jesus with children

Bilang mga bata sa Primary, makagagawa kayo ng malaking kaibhan sa paggawa ng maliliit na bagay nang may kabaitan. Kapag ginagamit ninyo ang inyong mga matulunging kamay sa paglilingkod sa iba, kumakatawan kayo kay Jesucristo. Tinutulungan ninyo ang iba na madama ang Kanyang pagmamahal.

Alamin ang mga kuwento tungkol kay Jesus. Pagkatapos ay tanungin ang inyong sarili, “Ano ang gagawin ni Jesus?” May mga tao sa paligid ninyo na nangangailangan ng tulong. Ang ilan sa kanila ay nasa sarili ninyong tahanan, o nasa tapat lang ng bahay ninyo.

Kapag gumagawa kayo ng mga simpleng bagay para makatulong, tutulungan kayo ng Espiritu Santo na maging maganda ang pakiramdam ninyo. Malalaman ninyo na ginawa ninyo ang gagawin ni Jesus.

Mahalaga ring tumanggap ng tulong mula sa iba. Kapag tinulungan tayo ng iba, madarama rin natin ang pagmamahal ng Tagapagligtas para sa atin!

Mahal ko kayo! Alam kong mahal kayo ni Jesucristo! Madarama ninyo ang Kanyang pagmamahal kapag ginagamit ninyo ang inyong mga matulunging kamay para maglingkod sa iba.

Ang Iyong mga Matulunging Kamay

Lahat ng tungkol sa Iyo

Edad:

Mula sa:

Mga Wika:

Pamilya:

Mga Mithiin at Pangarap:

Ikuwento sa amin ang isang pagkakataon na tumulong ka sa iyong tahanan o sa iyong komunidad:

Ano ang nadarama mo kapag tumutulong ka sa iba o sinusunod mo si Jesus?

Ang Iyong mga Paborito

Lugar:

Kuwento tungkol kay Jesus:

Awit sa Primary:

Pagkain:

Kulay:

Klase sa Paaralan:

Page from the January 2022 Friend Magazine.

Mga paglalarawan ni Simini Blocker