Matutugtog Ko Ito
Ako ay Magniningning
Madamdamin [sangkapat na nota] = 96–104
1. Sa ‘ki’y may liwanag—
Liwanag ni Cristo—
At ako ay nangakong
Paningningin ito.
Landas Niya’y tatahakin
Plano Niya’y susundin
Kahit kailan, kahit saan,
Sa bawat paraan.
2. ‘Sang simpleng kabaitan
Ay magpapasigla;
Nagbibigay pag-asa
Marahang salita.
Sa pagtulad kay Cristo
Pag-ibig Niya’y dama,
Unti-unti, ating mundo’y
Mas masayang tirhan.
Chorus: Ako ay magniningning sa dilim;
Sa isang kislap lang ay may kaibhan.
Makikitang ako ay mas magniningning
‘Pag liwanag Niya’y nasa akin.
‘Pag liwanag Niya’y nasa ‘kin.