Pagtulong na Tulad ni Jesus
Tinulungan ni Jesus ang mga Taong Nangangailangan
Noong narito Siya sa mundo, pinagaling ni Jesus ang mga taong maysakit. Pinakain Niya ang mga taong nagugutom. Pinanatag Niya ang mga taong nakadama ng pag-iisa.
Itinuro rin ni Jesus sa Kanyang mga disipulo na tulungan ang iba. Sinabi Niya na dapat silang magbigay ng pagkain, tubig, at damit sa mga taong nangangailangan nito. Sinabi Niya sa kanila na bisitahin ang mga taong nag-iisa. Sinabi ni Jesus na kapag naglilingkod sila sa iba, naglilingkod na rin sila sa Kanya.
Nagmi-minister ang aking pamilya kay Sister Rosa. Si Sister Rosa ay 90 taong gulang, kaya hindi na siya nakakalabas sa kanyang tahanan. Tinutulungan ko si Itay na magkarga at maghatid ng kahoy na panggatong para kay Sister Rosa.
Ignacio G., edad 9, Canelones Department, Uruguay