Minamahal na mga Kaibigan,
Noong nakaraang taon, marami kaming natanggap na mga liham mula sa inyo! Nagpadala kayo sa amin ng mga sining, larawan ng mga templo, at kuwento kung paano ninyo sinusunod si Jesus. Sa pahina 2, sinabi ni Pangulong Nelson, “Isipin lang ang liwanag at pagmamahal na maibibigay ninyo sa mundo bilang matatapat na tagasunod ni Jesucristo!” Mababasa ninyo ang tungkol sa isang batang babae mula sa Japan na ganoon ang ginawa sa pahina 18. At sa pahina 12, matututuhan ninyo ang isang magandang bagong awitin na pinamagatang “Ako ay Magniningning.”
Ginagawa ninyong mas mabuting lugar ang mundo!
Ang Kaibigan
P.S. Ipaalam sa amin ang nadarama ninyo at ibahagi ang liwanag ng Tagapagligtas!