2022
Isang Banal na Lugar
Pebrero 2022


Mula sa Unang Panguluhan

Isang Banal na Lugar

Hango sa “Templo’y Ibig Makita,” Liahona, Mayo 2021, 28–31.

a young President Eyring smiling at an older lady in a white dress

Naaalala ko ang unang araw na pumasok ako sa Salt Lake Temple. Binati ako ng isang babaeng puti ang buhok na nakasuot ng puting damit na pantemplo. Sabi niya, “Maligayang pagdating sa templo, Brother Eyring.” Inisip ko sandali na isa siyang anghel dahil alam niya ang pangalan ko. Nalimutan ko na nakasulat ang pangalan ko sa maliit na card na naka-pin sa amerikana ko.

Tumingala ako sa mataas na puting kisame. Napakaliwanag ng silid kaya tila nakabukas ito sa kalangitan. Pakiramdam ko nakarating na ako roon dati. Pagkatapos ay nadama ko na nakapunta na ako sa isang sagradong lugar na katulad niyon bago ako isinilang.

Ang mga salitang “Banal sa Panginoon” ay nakasulat sa labas ng lahat ng templo natin. Alam kong totoo ang mga salitang iyon. Ang templo ay isang banal na lugar kung saan madaling dumarating sa atin ang paghahayag kung bukas ang ating puso para dito.

Dalangin ko na naisin ninyong pumunta roon, kung saan madarama ninyo na malapit kayo sa Panginoon. Matutulungan ninyo ang inyong mga ninuno na makapiling Siya at kayo magpakailanman.

Templo’y Ibig Makita

drawing activity to draw a temple

Kopyahin ang mga linya sa grid para tapusin ang natitirang kalahati ng Calgary Alberta Temple.

Larawang-guhit ni Melissa Manwill