Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Abraham at Sara
Mababasa ninyo ang kuwento nina Abraham at Sara sa Genesis 15, 17, at 21.
Si Abraham ay isang propeta noon. Nakipagtipan ang Diyos kay Abraham at sa kanyang asawang si Sara.
Nangako ang Diyos na pagpapalain sila. Sinabi niya sa kanila na magkakaroon sila ng mga anak. Nangako sina Abraham at Sara na susundin nila ang Diyos.
Tinupad nina Abraham at Sara ang kanilang pangako. Pero matagal silang hindi nagkaanak. Tumanda sila nang tumanda.
Sa huli, noong 100 taon na si Abraham at si Sara ay 90, nagkaanak sila ng isang lalaki. Pinangalanan nila itong Isaac. Alam nila na napagpala sila ng Diyos.
Maaari akong magtiwala sa Diyos. Kung minsan hindi dumarating kaagad ang mga pagpapala. Pero laging tinutupad ng Diyos ang Kanyang mga pangako.